Dagli sa Patay at Buhay na Panitikan
Patay na ang panitikan, mabuhay ang panitikan!
May kakayahan kaya ang manunulat na bigyan ng muling direksyon ang nobelistiko sa dagli? O tulad ng panitikan, sa akto ng pagkasulat nito, hinuhudyat na rin ang sabayang pag-alaala at pagkalimot nito? – Rolando Tolentino
-Nasabi ni Tolentino na buhay at patay na ang panitikan at ang manunulat sapagkat una, patay ito dahil nagtagumpay ang makinaryang Ingles at Amerikanong kolonialismo sa bansa na kung saan ay naglaho ang popularidad sa pangkalahatan maging mismo sa mga diyaryo o lathalaing Tagalog at vernacular. Patay na rin ito sa sinasabing artifact na archival material ang estado na matatagpuan na lamang sa mga library. Sa paaralan, namamatay din ito dahilan ng globalisadong kurikulum sa edukasyon, ang millennium kurikulum sa basic education at RGEP ng UP. Sinasabi rin ni Tolentino, na isang over-valued komoditi na ang halaga ng panitikan. Pangalawa, buhay ito sapagkat hindi naman talaga nawala ang panitikan, nagkaroon lamang ng bagong konfigurasyon ng persepsyon sa tulong ng makabagong media na nagbibigay ng bagong inobasyon at transpormasyon sa pang araw-araw na buhay. Hindi man ito nakaprint, may mga aparatong ideolohikal na lumabas ang panitikan na dahilan ng modernong panahon sa pagpapakita ng realidad ng buhay lalo’t higit sa mga kabataan.
Ito ang dalang dulot ng kolonyalismo sa bansa, tinanggal nito at binago ang tunay na panitikan na nagpayaman at nagpalawak sa lipunan. Nagsimula ito sa pagsusulat ng mga pangyayaring makabayan at makatao sa buhay realidad kaya’t dapat lamang itong panatilihin na siyang pinipigilan naman ng estado. Isang bagay kaya’t marami na ring namamatay sa panitikan, sapagkat hindi ito binibigyang laya at inaalisan pa ng karapatang isiwalat o ipamahayag ang tunay na kalagayan ng lipunan. Sa ganitong paraan, ang pagpatay sa panitikan ay kasama na rin sa kamatayan ng mga manunulat. Kasama silang lulubog at matatalo ng mga modernong teknolohiya at kanluraning ideolohikal na ipinapamalas sa lahat ng tao. Hindi man mawawala ang panitikan, ituturing na rin itong patay kung hindi naman ito nakakapaglingkod sa bayan at mamamayan. Patay na ito, kung hindi kailan man nagpapalaya at nakikipaglaban sa mga dayuhang nanakop at sumira sa identidad ng mga Pilipino. Ito marahil ang dapat tuligsain upang magkaroon ng tunay at mayamang BUHAY na panitikan!!#

Comments