Kalinangan Sa Panitikan

Ang lahat ng bansa ay may kanya-kanyang angking kayamanan sa panitikan. Ang bawat isa ay may para-paraan din upang mapalawak at mapayaman ang kanilang kultura at kalinangan. Sa Pilipinas, maraming panitikan ng bayan ngunit may kakulangan sa kalinangan, halos kaunti na lamang ang tumatangkilik sa mga babasahing Filipino at ilan lang ang kilalang mga awtor na Pilipino. Sa ganitong ayos may malaking problema na sa usaping pampanitikan sapagkat maaaring ito’y dahilan sa edukasyon, ekonomiya at pulitikang isyu ng bansa.

Una sa edukasyon, hindi sapat ang pagpapalalim o pagtuon ng pansin sa panitikang pambansa. Ang pag-aaral nito sa lahat ng paaralan ay may malaking impluwensyang naidudulot sa mga estudyante. Marami ang higit na may mataas na pagtingin sa mga akdang ingles at ito ang kanilang tinatangkilik.

Isa ring konsiderasyon ang ekonomiya ng Pilipinas sapagkat nagkukulang ang kakayanan ng bansa na suportahan ang paglinang o pagpapalabas ng mas maraming akda o gawaing pampanitikan. Hindi natutugunan ang mga ganitong pangangailangan sa panitikang bayan na siyang nagiging suliranin sa pag-unlad.

Samantala, ang estado naman ang nagdidikta ng mga panitikang pambansa at ito nagiging dahilan upang makulong ang kultura at panitikan ng bayan. Maraming panitikan ang hindi tinatanggap sa loob ng estado. Ito ay nangangailangan ng maraming konsiderasyon depende sa mga nagdedesisyon upang makabilang sa panitikang pambansa. Sa ganitong mga gawain at implementasyon ng mga estado, marami ang hindi nakikilalang akda at panitikan ng bawat lugar.

Kailangan ng isang panitikan ang isang progresibong bansa na tutulong sa pagsasa-ayos ng kayamanang maituturing ng lahat ng mamamayan.



Comments

Popular Posts